Matanda at mahina na siya,
Madalas nakaupo sa silya;
Saka nakadungaw sa bintana,
Tanaw ang araw na palubog na.
Bilang niya ang oras, walang biro,
Sa paraan ng huni ng tuko;
Kung Biyernes ay ayaw maligo,
Paniwalang mula sa ninuno.
Lahat ay kanyang nakakasundo,
Ang pagmamahal ay walang lilo;
Ang pagdarasal ay walang hinto,
Ang Maykapal ay lagi sa puso.
Malabo na ang kanyang mga mata;
Tuwing lumapit ako sa kanya,
Buong katawan ko'y kapain niya,
Saka sabihing,"Kay laki mo na!."
( This poem was written by my youngest child, Ria Lu when she was in Grade vi)
No comments:
Post a Comment