Friday, 1 October 2021

Masaya Ako

 Ipinaglihi ako sa sampagita,
Isinilang na malakas at maganda;
Kalahating Adan at kalahating Eba,
Sadyang pinagkatuwaan ng tadhana.

Laging kinukutya't pinagtatawanan,
At tinatawag na malas kahit saan;
Di nila inisip na ako'y nasaktan,
Dahil tao ring may mga karapatan.

Ganito man ako'y di ko kasalanan,
Diyos ang nakakaalam ng dahilan;
Damdaming salungat sa kaugalian,
Umaalipin sa buong katauhan.

Pilit kong iwinaksi, pinaglabanan,
Ngunit pagsupil, di ko makakayanan;
Katauhang tinatakwil ng isipan,
Ng aking puso ay pinagsisigawan.

Di ko ginustong isilang nang ganito,
Di man matanggap, sana'y unawain n'yo;
Dahil sa aking buhay ay masaya ako,
At may sulok ding takda dito sa mundo.



(To all the Gays I love)
   



No comments:

Post a Comment

Why the Chinese Patronize the Sto. Niño de Tigbauan

Sometime in the year about 1860, a braided Chinese named Uy Hio Co from Amoy, Mainland China, came to Ilong-Ilong and reached the town of Sa...