Kanilang inusig, binastos, ininsulto, inakusahan at tinratong parang hardened criminal ang mga taga-ABS-CBN. Vulgar, impolite walang modo at malicious ang kanilang pananalita.
Ang mga viewers na medyo kapus sa kaalaman sa batas at legalities, may kahinaan sa English, ang mga produkto ng mass promotion-continuous progression policy ng paaralan sa panahon ni Marcos, at ang mga kulang sa isang kilo ang utak, ay hanganghanga sa brilliance ng mga taga-usig at bilib na bilib sa kanilang mga argumento na hinabing kasinungalingan at binaluktot na katuwiran.
Alam ng kumitiba ang totoo at tama ngunit sadyang binaligtad nila ang mga katuwiran, at nilinlang ang publiko sa paniniwalang lahat ng Pilipino ay bobo at kayangkaya nilang lokohin. Iyong mga intelehente naman ay natatawa, nakukutya at nasusuklam sa pangkat ng mga "honorables" kuno, na mistulang mga huwad na propeta sa makabagong panahon. Sinagot ng mga taga-ABS CBN ang lahat ng mga paratang sa kanila nang buong tapang, tapat, galang, hinahon, at may professional ethics, may integrity beyond reproach at sa high level and intellectual argument. They carried on their elucidation of the issues with decorum. Polite at courteous ang kanilang pananalita _demeanor of a well-educated, refined, and a thorough bred person.
Pinatotohanan ng iba't-ibang ahensya tulad ng BIR, DOLE, DOJ, SEC, DFA, BI at iba pa na cleared at walang violations ang ABS CBN, ngunit binalewala sila ng kumitiba. Ito ay malaking insulto at pagpapahiya sa mga naturang ahensya dahil pinagmukha silang mga sinungaling, hindi mapaniwalaan, hindi mapagkatiwalaan at hindi alam ang kanilang trabaho.
Nang ideklara ng kumitiba na panalo sila sa lutong macau na botohan sa mock hearing na ipasara ang ABS CBN, nagbunyi ang mga kampon, mga alipuris at mga pulgas nila. Nagdasal ako na sana tumanda hanggang sandaang taon 'yong 70 upang masaksihan nila ang karma sa kanilang mga anak at mga apo ng 11,000 families na kanilang ginutom. At sana, bahaginan din nila ang 11, 000 ng ayuda mula sa kanilang CDF na galing sa bilyones na buhis na binayad ng ABS CBN na ikinabundat nila at sana bigyan nila kaagad ng trabaho ang 11, 000 na nawalan ng hanapbuhay.
By the way, ayon sa nanay ko noon, ang angkan ng mga Lopez ay Ilongo na "born with the silver spoon in their mouth". Hindi nakaw ang kanilang yaman. Ang hari ng Espanya ang nag-award sa kanilang ninuno ng encomienda bilang gantimpala sa kanilang mahusay na pamamahala sa teretoryo. Inalagaan ito at pinalago ng kanilang mga heredero. Hindi nila winaldas at inabuso ang kanilang mana. Isinabuhay nila ang pagka Kristiano. Mapagkawanggawa sila at hindi mapang-api. Ni ayaw nilang tawaging Don Donya, Senyor o Senyorito, kundi Toto at Inday dahil ayaw nilang tratohing panginoon, kundi mga kasamahan. Ang sinumang tumatawag sa mga Lopez na corrupt, mangilabot sila!
No comments:
Post a Comment