Saturday, 22 April 2023

Iloilo (Filipino version, for non-Ilonggo speakers)

 Iloilo,minamahal naming hiyas,
Magandang mutya ng Kanlurang Bisayas,
Sa limot na kahapon ng Pilipinas,
Nakaukit ang makulay mong lumipas.

Ikaw lamang ang tinatanging tahanan,
Ng mga taong hangad ay kalayaan;
Ipinagtanggol nang buong kagitingan
At pinagyaman sa puso at isipan.

Iloilo, marilag na lalawigan,
Kasuyo ng alon sa dalampasigan;
Kapatagan mo'y ng langit minamasdan,
Hinahalikan ng araw sa paglisan.

Kahit na dalhin pa man ng kapalaran
Sa pinakamalayong guhit-tagpuan
Ang kandungan mo ang aming babalikan
At ialay ang tagumpay at karangalan.

No comments:

Post a Comment

Why the Chinese Patronize the Sto. Niño de Tigbauan

Sometime in the year about 1860, a braided Chinese named Uy Hio Co from Amoy, Mainland China, came to Ilong-Ilong and reached the town of Sa...