Sunday, 14 August 2022

Patawad, Inang Wika

 Sa aking mga katha ,
Marami ang humanga;
Ngunit sa sarili ko ,
Lihim akong nakukutya.

Damdamin ko'y ipinahayag ,
Sa wikang banyaga;
Di ko kayang iraos ,
Sa sarili kong wika.

Kung kaya ako naging bihasa ,
Sa wika ng mga dayuhan ,
Dahil ito ang kinagisnan ,
At di naiwasang natutunan .

Magaling man ako'y di ko sadya ,
Dahil hinubog sa wika ng iba ,
Yaring aking dila, pati paniniwala ,
Mula pa sa aking pagkabata.

Ngayon , nais kong tumula ,
Ito ang tangi kong nasa ;
Ngunit ako'y kimi, waring hiyang-hiya ,
Sa wika ng lahi ko'y nalilito, nalulula .

Patawad, aking Inang Wika ,
Di ko ninais maging dayuhan ,
Sa sinilangan kong lupa ;
Mahal kita, ngunit ako'y kapos sa salita.


No comments:

Post a Comment

Why the Chinese Patronize the Sto. Niño de Tigbauan

Sometime in the year about 1860, a braided Chinese named Uy Hio Co from Amoy, Mainland China, came to Ilong-Ilong and reached the town of Sa...